Friday, August 21, 2026

Sa sawi kong bayan...

... pangalan na lamang ng pulitiko ang lulutang-lutang.

SA BAYAN ng Sto. Tomas, naging kalakaran

nagsusumigaw na mga pangalan ng mga opisyal

nakapaskel sa bawat gawaing bayan – 

“A Priority Project of CONGRESSWOMAN DRA. ANNA YORK BONDOC”

o dili kaya’y “Gusto Ko Progreso – MAYOR JOHN SAMBO.” 

Sa laki ng mga pangala’y di kayang buwagin ng boto sa halalan,

burahin ng panahon, o kahit sa baha ay ilubog man lamang. 

Ayan o – sa lupang pinagtabuyan na pinangalanan

sa mismong ama ng kinatawan, sila pari’y lutang na lutang. 

Ay, sawimpalad kong bayan, 

pagkahumaling mo sa pulitiko, kailan mapaparam?

pagdurusa mo'y mayroon pa bang hangganan?

Screenshots from Jennipors Quiambao FB Page  

 












No comments:

Post a Comment