Ani environmental management system ng lungsod: “Nagpatuloy ang waterways task force sa pagsasagawa ng regular na clearing operations ngayong araw ...”
…sa araw-araw, lahat ng araw
paikot-ikot
pabalik-balik
walang hanggang paglilinis
walang katapusang
pagbasura sa paligid.
pati paskel na bawal
ginawang tambakan
multa, walang bisa
parusa, kailan pa?
isip-isip –
kung walang itinatapon
ano ang liligpitin?
entonces –
aanhin pa ang basurero
para que pa ang kaminero?
kalat-kalat
linis-linis
ekonomiya ng basura
paikot-ikot,
pumapaimbulog.
