KAHAPON, AGOSTO 16, naglabas ng pahayag si Magalang, Pampanga Mayor Malu Paras-Lacson ukol sa aniya’y fake news ng One Balita Central Luzon (OBCL), isang online news platform, hinggil sa kaugnayan niya at ng kaniyang pamilya sa Kingsmen Manpower and General Services, Inc. (KMGSI).
“Upang maiayos ang
katotohanan at matuldukan ang panlilinlang sa publiko,” dalawang punto ang
inihayag ng alkalde na aniya’y “mga opisyal na katotohanan.”
Una. “Walang Aktibong
Operations at Walang Kontrata: Walang umiiral na kontrata ang Kingsmen sa
Chuangxing Steel, at kasalukuyang wala nang anumang operasyon (no active
operations) ang naturang kumpanya.”
Pangalawa. “Naisagawa na
ang Divestment: Ang ating Punong Bayan, Mayor Malu Lacson, kasama ang kanyang
asawa, at MENRO [municipal environment and natural resources officer] ay
matagal nang nag-divest o ganap nang naglabas ng kanilang interes at
shareholdings sa Kingsmen. Bagama't hindi pa ganap na naka-reflect sa
pinakabagong General Information Sheet (GIS) ng SEC ang pagbabagong ito,
malinaw na wala na silang anumang pagmamay-ari o kinalaman sa pananalapi ng
kumpanya.”
Mukhang sa unang punto pa
lamang ay lihis na ang pagpapaliwanag ng alkalde. Walang nabanggit ang OBCL na
anumang kontrata sa pagitan ng KMGSI at Chuangxing Steel.
Ang ugnayan sa pagitan ng dalawa
ay lumabas sa hearing ng Senate Committee on Environment, Natural Resources,
and Climate Change noong Agosto 14 kung saan ito ay ipinunto mismo ni committee
chairman Sen. Raffy Tulfo.
(Matutunghayan
ang bahagi ng talakayan dito sa Raffy Tulfo in Action)
Ani ng senador: “Si mayor [Paras-Lacson] ay mayroong manning agency, Karamihan sa mga worker ng Chuangxing Steel Inc. ay galing sa kanyang agency, referred ng kanyang agency. Kasi, para sa akin, mukhang may conflict of interest. Siyempre, kapag yung mga empleyado nanggagaling sa kanya, there’s the possibility that she might turn a blind eye sa lahat ng mga makikita niyang kalokohan doon dahil pinagkakakitaan niya.”
Nauna rito, tinanong ng
senador si Department of Labor and Employment Region 3 director Geraldine
Panlilio kung sino ang may-ari ng KMGSI, kung si mayor [Paras-Lacson], at ito
ay sinagot ng “Yes.”
Siya na nga po.
Inilahad pa ni Panlilio na “Kingsman is an unregistered subcontractor. Hindi po siya registered sa DOLE.”
Kung gayon, Paras-Lacson
is barking up the wrong tree with her fake news wailing against
OBCL. Dapat ang tinahulan niya ay si Senador Tulfo at Director Panlilio. Lalo
na ang huli sa kanyang isiniwalat – hindi rehistrado sa DOLE ang KMGSI, e di ito
ang palsipikado. Hindi fake news ang balita dito.
Sa pangalawang punto ng
alkalde: ang pag-amin ng divestment niya at ng kaniyang mga kapamilya at
kasangga sa kumpanya ay nagpatibay lamang sa pagpapatotoo sa inilahad ng OBCL na
batay sa 2026 General Information Sheet (GIS) ng Securities and Exchange
Commission, na sila ang nagmamay-ari at may pamamahala sa KMGSI, to wit:
Maria Lourdes P. Lacson, president,
30% ownership;
Odilon L. Lacson (kabiyak
ng alkalde), corporate secretary, 30% ownership; at
Norman L. Lacson (bayaw at
kasalukuyang municipal administrator), treasurer, 30%.
Ang dalawa pang
nakarehistro bilang stockholders ay sina:
Pablo Elmer Mercado (kasalukuyang
municipal environment and natural resources officer), 5% ownership; at
Jose Tiburcio S. Canlas
(hindi tiyak kung kapangalan lamang o siya mismo ang city public accountant ng
Lungsod ng San Fernando), 5% ownership.
Sipi ng
inilabas na GIS ng KMGSI sa OBCL. Binura ang mga tala ng tirahan alinsunod sa
mga pamantayan sa data privacy
Nilinaw pa ng OBCL na ang rehistro sa SEC ay hiwalay sa rehistro sa DOLE ng manpower agency.
Malinaw sa GIS na sina
Paras-Lacson et al. ay nagmay-ari at namahala sa kumpanya. Hindi nabubura ang
pag-mamay-ari nilang yaon sa loob ng takdang panahon bago ang sinabi ng alkalde
na pag-divest o pagbitaw nila sa kumpanya.
Gayunpaman, higit sanang
titibay ang paglilinaw ng kagalang-galang na alkalde kung nakalakip dito ang
dokumentong nagpapatunay na nag-divest na nga sila, kung gaano katagal na ang
sinasabi niyang "matagal" sa paglalagay ng petsa dito, at sino na ang
mga bagong may ari ng divested shares.
Sa halip na paglilinaw at
pagtuldok sa sinasabi ni Paras-Lacson na “panlilinlang sa publiko,” mga red
flags ang nagsulputan na sumisigaw ng imbestigasyon para umiral ang katotohanan,
sa ngalan ng transparency at accountability.
Una, ang conflict of
interest na ibinandila ni Senador Tulfo na maaring ihagkis kay Paras-Lacson, sa
kanyang kapamilya, at sa kawani ng munisipyo na direktang may sakop sa mga
alituntunin sa operasyon ng Chuangxing Steel Inc.
Pangalawa, ang paglabag sa
mga batas sa paggawa bunga ng hindi pagka-rehistro sa DOLE ng KMGSI.
Pangatlo, ang mga hinaing
ng mga manggagawa sa Chuangxing Steel Inc., partikular ang safety and
occupational hazards sa kumpanya na nagbunga ng mga sakuna.
At iba pa.
Ukol sa kanyang babala, karapatan
ni Paras-Lacson na magsampa ng asuntong cyberlibel “laban sa mga may-akda,
tagapamahala ng pahina, at sa lahat ng mga indibidwal na napatunayang
nagpapakalat at nag-share ng malisyosong fake news [ng OBCL].”
Dahil sa tinalakay din
natin ito, isinasama ko na rin tayo sa mga “nagpakalat” nito.
Kung ang layon ng kagalang-galang
na alkalde ay maghasik ng pangamba o pananakot sa media – yaong sa English ay tinatawag
na chilling effect – upang iwasan ang pagbusisi sa anumang isyu sa kanyang
pamamahala na minamarapat niyang nakaka-mantsa sa iwing kadalisayan ng kanyang
pagiging punongbayan -- ay, “You should have another think coming,
Madame Mayor.”
At sa kanyang paghimok sa
publiko na “maging mapagmatyag at huwag magpadala sa mga gawa-gawa na balitang
may layuning pampolitika lamang,” sino po ba ang pulitiko? Yaong mga tinutukoy
sa kawikaang “Politics is the last recourse of scoundrels.”








.jpg)


.jpg)









.jpg)













